^

Pang Movies

Angeli, ginulat ang ina sa kanyang paghuhubad

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Angeli, ginulat ang ina sa kanyang paghuhubad
Angeli Khang

Ayon sa Vivamax Queen na si Angeli Khang, tutol ang kanyang magulang sa paggawa niya ng mga sexy movies. Nasa militar ang kanyang ama at pastora naman ang kanyang ina. “Ang tatay ko po talaga, he’s a military general tapos ang gusto niyang ipagawa sa akin, more on marathon, sports, basketball, volleyball, taekwondo. Sabi niya sa akin, tomboy na tomboy,” sey ni Angeli.

Na-shock nga raw ang ina niya noong malamang naghuhubad na ito sa pelikula “At first, ‘yung mom ko po talagang hindi siya natuwa. Nagulat siya, sabi niya ‘Kailan ka pumasok diyan? Kailan ka nag-film?’ ‘Bakit ka nagdedesisyon sa sarili mo?’ High school pa lang ako noon. ‘Ano ang pangalan ng director saka ng may-ari niyang pinaggagawan mo? Ipagdadasal ko ‘yan,’” pag-alala ni Angeli na sinabi sa kanyang ina.

Pero matapos ang apat na pelikula, nakita ng kanyang ina ang passion ni Angeli sa pag-acting.

“Sabi ng mom ko, ‘Basta wala kang natatapakan na tao, mahal mo ‘yung ginagawa mo, at masaya ka sa ginagawa mo, pagpatuloy mo lang ‘yan. And ngayon, thankful po ako na tuluy-tuloy na ‘yung blessings,” sey ni Angeli na gumaganap na Nimfa sa Black Rider.

vuukle comment

ANGELI KHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with