^

PSN Palaro

Back-to-back wins pakay ng Letran

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Back-to-back wins pakay ng Letran
Galing sa impresibong panalo ang Knights matapos tusukin ang Lyceum of the Philippines University Pirates, 96-86, upang ilista ang 4-2 karta at upuan ang solo top spot sa Group B ng team standings.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Puntirya ng Letran na tuhugin ang pangalawang sunod na panalo sa pagharap nila sa Mapua University sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa Playtime FilOil sa San Juan City.

Galing sa impresibong panalo ang Knights matapos tusukin ang Lyceum of the Philippines University Pirates, 96-86, upang ilista ang 4-2 karta at upuan ang solo top spot sa Group B ng team standings.

Magtutuos ang Letran at Mapua ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Jose Rizal University at Emilio Aguinaldo College sa alas-5 ng hapon.

Kakapitan ng Knights sa opensa sina Jimboy Estrada, Denzil Walker at Chad Gammad, habang magrerekober ng tatlong linggo si star guard Jonathan Manalili dahil sa natamong injury kontra sa Pirates.

“Just a sprained knee. Nothing serious, kailangan lang ng full recovery,” sabi ni head coach Allen Ricardo kay Manalili na sa Nobyembre na ang balik.

Matapos sumadsad sa unang tatlong laro ay kina­dena ng Cardinals ang three-game winning streak upang mapanatili ang inaasam na makapasok sa Final Four.

Tangan ang 3-3 baraha, nakapuwesto ang Mapua sa pang-apat sa Group A.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with