Oplan Galugad, 18 sinampolan

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 ang paggalugad sa mga lugar na malapit sa mga sementeryo bilang paghahanda sa nalalapit na Undas, na nagresulta sa pagdakip sa 18 indibidwal na naaktuhang nag-iinuman sa kalsada, sa Maynila.

Naaktuhan sa tatlong barangay sa bahagi ng Tambunting Street, Sta. Cruz, Maynila, Biyernes ng gabi, Oktubre 23, ang mga kalalakihan na may kanya-kanyang grupo sa kanilang inuman session.

Dinala sa Blumentritt Police Community Precinct (PCP) at pinagsabihan ang mga kalalakihan na sila ay lumabag sa City Ordinance No. 555 o ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Ang Tambunting ay nasa pagitan ng Chinese Cemetery, Campo Santo De La Loma na boundary ng Maynila at sakop na ng Caloocan, habang malapit din sa pinakamalaking sementeryo na Manila North Cemetery, sa Blumentritt St.

Nagbabala rin si Soriano na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang Undas.

Show comments