^

Police Metro

Marcos admin sinisi ni VP Sara sa school shootings

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binatikos at hayagang isinisi ni Vice President Sara Duterte sa admi­nistrasyong Marcos ang serye ng pamamaril sa mga paaralan sa bansa.

Ito ang naging pahayag kahapon kasunod ng naganap na trahedya sa Banga National High School sa South Cotabato noong Setyembre 18 na ikinasawi ng tatlong mag-aaral.

Ayon kay VP Duterte, ang insidente ay pangatlong school shooting na sa bansa sa loob ng huling tatlong buwan (kasunod ng mga katulad na kaganapan sa Tacloban at Zamboanga).

Anya ang mga krimen ay sumasalamin sa “laganap na karahasan sa lipunan na pinalalala ng kabiguan ng pamahalaan” na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Inakusahan din ni Duterte ang administrasyong Marcos na mas nakatutok sa “political survival” at “political consolidation” sa halip na sa tunay na pagli­lingkod at pagpapatupad ng kaayusan.

Diretsahang sinabi ni Duterte na sa kasaluku­yang administrasyon “mas madali ang ma­ging inutil, magnakaw, at magsamantala kaysa magsilbi nang tapat sa bayan.”

Giit pa ni VP Sara, binigo ng administrasyong Marcos ang mga biktima at survivors ng South Cotabato tragedy.

Babala pa niya, mas marami pang kabataan ang nananatiling nasa ­panganib na mabiktima ng kapabayaan at kawalan ng kakayahan ng pamahalaan.

Nagtapos ang kaniyang pahayag sa pagsa­sabing nararapat ang mga Pilipino sa mas mahusay na pamumuno (“We deserve better leadership than this”).

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with