BSP hindi required ang zero fees sa digital transfers
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi required ang “zero fees” sa digital money transfers kung saan isa itong cost-based fair pricing guideline o gabay sa makatarungan at nakabatay sa aktuwal na gastos na paniningil ng bayarin.
Ayon sa BSP ang “zero fees” hindi ito isang patakaran na nag-uutos na gawing libre ang electronic fund transfers. Ibig sabihin, hindi obligado ang mga bangko, e-wallet, digital banks, at iba pang payment service providers na alisin ang transfer fees.
Anang BSP, ang singil sa off-us person-to-person (P2P) electronic fund transfers ay hindi lamang dapat nakabatay sa tinatawag na switch cost, at hindi rin dapat bigyang-kahulugan ang FAQ No. 7 bilang isang mahigpit na “switch-cost-only” pricing formula.
Kasabay nito, nagpasalamat ang FinTech Alliance PH sa BSP sa paglilinaw ang Circular No. 1238 tungkol sa “zero fees” sa digital money transfers.
Sinabi ng FinTech Alliance PH na ang paglilinaw ng BSP ay nagbibigay ng balanseng regulasyon na parehong nagpoprotekta sa mga consumer at nagbibigay-daan sa mga bangko, e-money issuers, fintech companies, digital banks, at payment service providers na patuloy na mamuhunan sa mas matatag na payment infrastructure, cybersecurity, digital innovation, at mas mahusay na customer service.
- Latest




















