Comelec Chair nabiktima ng ‘Salisi’ sa Pasay

1 sa 6 na suspek tiklo
MANILA, Philippines — Nabiktima ng ‘Salisi Gang’ si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia habang nasa isang restaurant sa Pasay City, Martes ng hapon.
Sinabi ni Garcia na naganap ang insidente ala-1:00 ng hapon ng Agosto 19, sa restaurant sa Buendia Avenue, sakop ng Pasay.
Nadakip naman ang isa sa anim na miyembro ng grupo na si alyas “Hazel”, 44, sa Zapote, Las Piñas, sa isinagawang backtracking at isinagawang follow-up operation bandang alas 2 ng hapon kahapon ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District, kasama ang District Intelligence Division (DID) at Pasay City Police Station.
Wala na ang cash sa narekober na bag, habang ang cellphone at mga ID ay intact pa.
Batay sa record, Agosto 19, Martes nang matangayan ng bag si Garcia alas-12:50 ng hapon habang naghihintay ng inorder na pagkain sa isang restaurant sa service road ng Roxas Boulevard, sakop ng Pasay City.
Katatapos lamang umanong dumalo ni Garcia sa pagdinig sa Senate hearing ng Anti-Dynasty bill.
Paalala niya, dapat maging alerto sa lahat ng pagkakataon dahil ang mga kawatan ay walang pinipiling lugar at oras.
- Latest
























