^

Metro

Suspek sa masaker sa Las Piñas kinasuhan ng ‘3-counts murder’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang sinampahan ng Las Piñas City Police ng 3-counts of murder sa Las Piñas Prosecutor’s Office ang 36 anyos na mekaniko na nag-masa­ker sa kanyang live-in partner at dalawang  menor-de-edad na estudyanteng pamangkin matapos ang isinagawang follow up operation nitong Sabado ng gabi.

Iniharap kahapon  ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang suspek na si Vicente Karagay na naaresto ng mga pulis dakong ala-1 ng gabi sa Aurora  Drive Extension, Vergon Ville, Subdivision, Pulanglupa, Las Piñas.

Lumilitaw na pinagpapalo ng dos-por-dos at tinali pa ng suspek ang live-in partner na si Mary Jean Avelina, 27; Natalie Jane Cabintot, 19 at Oliver Bula, 11, kapwa estudyante.

Nadiskubre lamang ang bangkay ng mga biktima nang mag-report ang isang kaanak na nakalanghap ng masangsang na amoy mula sa kuwarto ng mga biktima sa Charles St. San Joseph Subdivision, Brgy. Pulang Lupa Dos, Las Piñas.

Inamin naman ng suspek ang krimen at sinabing matinding selos ang nag-udyok sa kanya na isagawa ang krimen nang matuklasang may ibang karelasyon ang kinakasama niyang si Avelina.

Habang nag-aaway sila ng kanyang live-in partner, sinubukan daw mamagitan ng dalawang pamangkin hanggang sa mapagbuntunan din niya ng galit at pinaghahampas ng dos-por-dos.

Nabatid na nasaksihan ng 4-taong gulang na anak ni Avelina ang ginawang panghahampas ng suspek sa ginang.

Nangyari ang krimen nitong Mayo 16 subalit Sabado lamang nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with