^

Metro

Driver ng cargo truck inatake, SUV at trike inararo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang dri­ver ang pinaniniwalaang inatake sa puso habang nagmamaneho ng cargo truck dahilan upang bumangga ito sa isang SUV at tricycle na nakahimpil sa harapan ng Medical Center Manila (MMC), sa United Nations Avenue, malapit sa  kanto ng Taft Ave., Ermita, Maynila, Sabado ng hapon.

Hindi pa binanggit ang pagkilanlan ng biktima na ipinasok pa sa emergency room ng ospital upang lunasan subalit hindi na naisalba.

Sa inisyal na impormasyon, dakong alas-5:00 ng hapon ng Abril 13, nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Kwento ng pahinante, nagulat siya na habang nagmamaniobra ang kanilang truck nang biglang bumangga ito at huminto at nakita niyang nakasubsob na sa manibela ang driver. Patungo aniya, sila ng Pulilan, Bulacan para magdeliber ng produktong trigo  na nagmula sa bo­dega sa Pajo.

Isang silver color na Fortuner naman ang nawasak ang bumper matapos magitgit ng truck kaya sumampa ito sa planter box ng ospital habang ang tricycle ay nasa nguso naman mismongtruck.

Maswerteng nakatalon ang driver ng SUV, na nagsabing hinihintay niya lamang ang amo na nasa loob ng ospital, ga­yundin ang tricycle driver na naghatid ng pasyente sa nasabing pagamutan, na napatalon din dahil patungo sa kanyang direksyon  ang truck.

vuukle comment

MMC

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with