^

Metro

P7.3 bilyong pekeng underwear, assorted products nasamsam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P7.3 bilyong pekeng underwear, assorted products nasamsam
Tinatayang P7,370,000,000 halaga ng mga pekeng underwear, household items, kitchenwares, hardware ­materials, toys, at appliances ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa mga bodega sa Caloocan City at Bocaue, Bulacan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mahigit sa P7-bilyong halaga ng mga infringed underwear, hardware items, at iba’t ibang produkto ang nadiskubre ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng Bureau of Customs (BOC) sa sabayang operasyon sa dalawang lugar kamakailan.

Tinatayang P7,370,000,000 halaga ng mga pekeng underwear, household items, kitchenwares, hardware ­materials, toys, at appliances ang nasamsam  ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa mga bodega sa Caloocan City at Bocaue, Bulacan.

Sinabi ni Customs Commissioner Bien Rubio na ang  operasyon ay isa sa mahalagang hakbang patungo sa pagsugpo sa pagkalat ng smuggled goods sa bansa.

Ayon naman kay CIIS Director Verne Enciso, nadiskubre sa loob ng isang compound sa Caloocan City ang 3,500 bales (bundles)  ng infringed underwear at mga medyas na may tatak na Nike, Jordan, Mossimo, Bench, Levi’s, Under Armour, Gucci, at iba pa na tinatayang nagkakahalaga P4.3 bilyon.

Nasa P70 milyon naman ang nagmula sa inspeksiyon sa iba pang bodega sa compound na kinabibilangan ng women’s sandals, speakers, foodstuff, industrial pipe fittings, at sanitary kitchen wares.

Isa pang operasyon ang isinagawa sa isang bodega sa Bocaue, Bulacan na nagresulta sa pagkadiskubre sa iba’t ibang items na nagkakahalaga ng P3 bilyon.

Nabatid na nagsagawa ng inspeksiyon ang ahente ng CIIS at Enforcement and Security Service (ESS), base sa isang Letter of Authority (LOA), na kinilala naman ng compound administrator sa dalawang lokasyon.

Sinabi ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na ang mga bodega ay ipinadlak at sinelyuhan, habang nakabinbin ang imbentaryo ng mga goods na isasagawa ng nakatalagang Customs examiner at sasaksihan ng CIIS, ESS, at mga warehouse representatives.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with