^

Metro

6 most wanted nalambat ng SPD sa1araw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na most wanted persons ang naaresto ng Southern Police District (SPD) sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila sa loob lamang ng isang araw.

Nalambat ng mga ­operatiba ng Warrant and Subpoena Unit ng ­Parañaque City Police Station ang isang alyas “Lyka”, 20, alas-12:15 ng mada­ling araw noong Marso 22, 2024 sa Ilugin Pinagbuhatan Phase 1, Pasig City. Siya ay may nakabinbing two counts ng kasong trafficking in persons sa sala ni Hon. Judge Ana Teresa T. Cornejo-Tomacruz ng RTC, Branch 157, Pasig City. Walang inirekomendang piyansa sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang top 7 most wanted naman ng Parañaque City kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na si Kim Wilson Haro Dizon, 33, ay dinakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Taguig City Police Station, sa Barangay Sun Valley, Parañaque City bandang 9:05 ng umaga noong Marso 22. Convicted o nahatulan na siya ng guilty ni Hon. Marivic Cudilla Vitor, Presiding Judge, Regional Trial Court, NCJR, Branch 266, Taguig City, at nakatakdang ilipat sa pambansang piitan.

Top 3 most wanted at akusado sa kasong Qualified Statutory Object Rape si Fernando Espiritu Martin, 67, na inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Taguig City Police Station, dakong alas-12:55 ng tanghali ng Marso 22, sa Zone 5, Brgy. Pagala, Baliwag Bulacan. Walang inirekomendang piyansa si Hon. Loralie Cruz Datahan, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 69, Taguig City.

Ang top 4 most wan­ted person sa kasong rape na si Symon Cyrkhit Cunanan y Baluyot ay inaresto sa Cabrera St., Brgy 98, Pasay City, today, ala-1:10 ng hapon ng Marso 22. Siya ay may warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jehan Batua Sampao-Hassiman, Presiding Judge ng  Family Court, Branch 11, Pasay City.

Sa parehong petsa din, alas-3:30 ng hapon naaresto ang top 8 most wanted  na si Mark Jayson De Mesa y Pelayo, 30, sa Brgy. Talon 3, Las Piñas City. Nagsanib ang pwersa ng Warrant & Subpoena Section at Station Intelligence Section ng Las Piñas City Police para isilbi ang Warrant of Arrest  na inisyu ni Hon. Presiding Judge Mildred Jacinto Marquez ng Family Court Branch 2, Las Piñas City. Siya ay may apat na bilang ng kasong may kaugnayan sa Lascivious Conduct at Sexual Abuse na may petsang Pebrero 26, 2024 na may inirekomendang ?800,000 piyansa.

Ika-anim na nalambat ng pinagsanib na pwersa ng Warrant & Subpoena Section and Intelligence Section ng Las Piñas City Police ang top 6 most wanted person sa kasong carnapping na si alyas “Win”, 32, dakong alas-4:40 ng hapon ng Marso 22, sa Brgy. CAA, Las Piñas City.

vuukle comment

PASIG

POLICE

SPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with