^

Metro

13 Vietnamese timbog sa illegal spa, clinics

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
13 Vietnamese timbog sa illegal spa, clinics
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kaagad niyang ipinag-utos ang pag-aresto sa mga da­yuhan matapos na makatanggap ng intelligence information hinggil sa kanilang presensya at mga aktibidad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa kabuuang 13 Vietnamese nationals matapos na madiskubreng nagpapatakbo sila ng mga illegal health spa at clinic sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kaagad niyang ipinag-utos ang pag-aresto sa mga da­yuhan matapos na makatanggap ng intelligence information hinggil sa kanilang presensya at mga aktibidad.

Batay sa report ngBI, ang 13 Vietna­mese ay dinakip sa apat na magkakahiwalay na klinika sa Makati, Pa­rañaque, at Pasay.

Ang mga dayuhan ay natuklasan na pawang undocumented aliens makaraang mabigo silang magpakita ng mga legal na dokumento nang sila ay dakpin.

Nabatid na ang mga dayuhan ay sinampahan ng kasong working without a proper permit o visa na paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 at dahil sa pagiging undocumented aliens.

Isa naman sa mga Vietnamese ang mayroong working visa, ngunit nabuking na nagtatrabaho siya sa ibang kumpanya, bukod sa kumpanya na nakalagay sa kanyang visa, na paglabag sa mga kondisyon ng pananatili nito sa bansa.

“These illegal aliens are operating their business in broad daylight, perhaps thinking that they will not be caught,” ani Tansingco.

Ang 13 Vietnamese ay pansamantalang mananatili sa BI facility sa Bicutan, Taguig hanggang sa tuluyang mailabas ang resolusyon sa deportation cases na isinampa laban sa kanila.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with