^

Metro

Mga magdi-date sa mga parke, binalaan sa salisi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga magdi-date sa mga parke, binalaan sa salisi
Vendors selling heart-shaped balloons wait for customers on Valentine's Day at a flower market in Manila.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Naglabas ng babala ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga magdi-date sa mga pampublikong parke sa lungsod  na tiyakin ang seguridad nila at ng kanilang mga gamit laban sa mga masasamang loob partikular na ang mga “salisi” na nagkalat ngayong buwan ng mga puso.

Ito ang paalala ni MPD Director PBGen Thomas Ibay sa publiko makaraang mabiktima ng dalawang salisi ang magkasintahan na nagdi-date sa isang parke sa Ermita, Maynila.

“Kung maaari, huwag nilang ilagay sa gilid o sa likuran ang kanilang mga bag.  Ilagay na lamang nila ito sa kanilang harapan para palagi nilang nakikita,” ayon kay Ibay.

Kita sa kuha ng CCTV sa parke ang magkasintahan na nakaupo at parang walang pakialam sa kanilang paligid. Dumating ang isang lalaki at babae sakay ng bisikleta at pasimpleng tinangay mula sa likuran ang bag ng mga biktima na naglalaman ng laptop computer at cellphone.

Nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang isa sa mga suspek na si alyas Salve, na nadiskubre pang tatlong buwang buntis, habang pinaghahanap ang kaniyang kasabwat na kaniyang karelasyon.

Ayon kay Salve, ibinenta nila ang laptop at cellphone sa halagang P700 lamang.  Nagawa umano nila ito dahil sa pangangailangan na mabuhay at hindi umano siya nagsisisi sa kaniyang ginawa.

Natunton rin ng mga pulis ang tindahan sa Sta. Cruz, Maynila na binentahan ng mga suspek ng mga gamit.  Dito narekober ang laptop at cellphone ng mga biktima.

Inaresto ng mga pulis ang dalawang bantay na inabutan sa tindahan na mahaharap naman sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law, dahil sa pagbili sa mga kagamitan na galing sa pagnanakaw.  

vuukle comment

MPD

PBGEN THOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with