^

Metro

Pekeng mga kompanya gamit ng mga dayuhan, tututukan ng BI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pekeng mga kompanya gamit ng mga dayuhan, tututukan ng BI
Higit sa 100 kompanya na ang isinasailalim nila sa berepikasyon kung saan nakikipag-ugnayan ang BI sa Department of Justice para matukoy ang mga taong nasa likod nito.
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Nakatutok ngayon ang Bureau of Immigration (BI) sa mga pekeng kompanya na gamit ng mga dayuhan para makakuha ng mga working visa upang makapagtrabaho sa loob ng Pilipinas.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na nadiskubre nila ang bagong modus nang isailalim sa berepikasyon ang mga kompanya na gamit ng mga dayuhan na nag-aaplay sa kanila ng working visa.

Higit sa 100 kompanya na ang isinasailalim nila sa berepikasyon kung saan nakikipag-ugnayan ang BI sa Department of Justice para matukoy ang mga taong nasa likod nito.

Hinihinala na kumuha ng serbisyo ang mga dayuhan sa sindikato na nagbibigay ng mga dokumento ng mga pekeng kompanya. Posible na sila rin umano ang nagbibigay ng mga dokumento para makakuha ang mga dayuhan ng iba pang legal na dokumento ng gobyerno.

Sinabi ni Tansingco na bahagi ito ng pagnanais na wakasan ang pag-abuso sa “visa issuance system” at reorganisasyon ng paraan ng pag-iisyu ng visa sa mga dayuhan na nasa loob at labas ng bansa.

Ang ginagawang “internal auditing” ngayon ay bunsod rin ng magkakasunod na raids ng mga law enforcemeng agencies sa mga malalaking scam hubs at prostitution dens na nagpapanggap na mga lehitimong kumpanya.

Ipinag-utos na ni Tansingco ang agarang pag-blacklist sa mga dayuhan na nasa labas ng bansa na pinetisyon ng mga pekeng kumpanya at pagpapatalsik sa mga dayuhan na nasa loob ng bansa kasabay ng paglalagay sa kanila sa BI blacklist.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

FAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with