Big-time oil price hike, nakaamba

Batay sa tantiya ng oil companies, posibleng sumi­rit  sa P1.70 hanggang P2.00 sa kada litro ang posibleng itaas sa presyo ng gasolina, habang sa diesel ay aabutin ng mula P2.30 hanggang P2.60 ang itataas sa kada litro, habang magkakaroon ng taas na P2.00 hanggang  P2.30 sa kada litro ng kerosene.
KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Matinding kalbaryo na naman ang haharapin ng mga motorista sa inaasahang big-time oil price hike sa susunod na linggo.

Batay sa tantiya ng oil companies, posibleng sumi­rit  sa P1.70 hanggang P2.00 sa kada litro ang posibleng itaas sa presyo ng gasolina, habang sa diesel ay aabutin ng mula P2.30 hanggang P2.60 ang itataas sa kada litro, habang magkakaroon ng taas na P2.00 hanggang  P2.30 sa kada litro ng kerosene.

Ang four-day Mean of Platts Singapore (MOPS) trading na mula September 11 hanggang September 14 ang ugat pag-alagwa sa ­presyo ng produktong petrolyo.

Ito na ang ika-10 sunod na linggo ng pagtaas ­presyo ng gasolina at ika-11 beses na sunod na linggo na taas sa presyo ng diesel at kerosene.

Show comments