^

Metro

Bilibid isasara na sa 2028

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na isara na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa 2028 at mailipat na ang mga bilanggo nito sa ibang penal farms sa Palawan at iba pang lugar.

Sinabi ni BuCor Director-General Gregorio Catapang, Jr. na plano rin nila na mapadala na sa mga penal farms ang 80% ng mga inmates bilang paghahanda sa pagsasara.

Sa kasalukuyan, nasa 30,000 persons deprived of liberty (PDL) ang nananatili sa NBP, na ginagastusan ng gobyerno ng P12,000 bawat isa kada taon.

Hindi na umano praktikal ang pananatili ng NBP sa Muntinlupa dahil sa napapalibutan na ito ng mga subdibisyon na nagdudulot ng pangamba sa mga residente sa banta ng seguridad at katahimikan.

kinakabahan umano sa presensya ng mga kriminal na bilanggo at posibilidad ng pagtakas nila.

Sa planong paglilipat sa mga inmates, nais ng BuCor na mas ma­ging produktibo sila sa lilipatang penal farms para mas maging madali ang pagbabalik nila sa lipunan kapag nakalaya na.

“Walang ginagawa ang PDL, nasa preso lang sila. Pero ang nakalimutan po dito, ang pangalan po ng ating mga kulungan, Davao o Iwahig Prison and Penal Farm, so kailangan may farm para sa ganoon iyong mga nakakulong magiging productive, para makapagtanim sila, makakatulong sa bayan,” saad ni Catapang.

Nasa 28,000 ektarya umano ang Palawan penal farm na maaring taniman ng palay para makatulong sa pagpapababa sa presyo ng bigas sa bansa.

Nitong nakaraang dalawang buwan, nasa 500 lalaking PDL at 50 babaeng PDL mula sa Correctional Institute for Women ang inilipat sa Iwahig Prison at Penal Farm ­­sa Palawan.

Kasunod nito , nasa 4,150 PDLs ang susunod na ililipat sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte hanggang Disyembre 31 ngayong taon.

vuukle comment

BUCOR

NBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with