Mendoza, tututukan backlog sa plaka, drivers license card
MANILA, Philippines — Tiniyak ng bagong hirang na Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na wala siyang sasayanging oras para mabigyan ng maayos na serbisyo ang publiko, partikular pagbibigay solusyon sa car plate backlogs at kakulangan ng driver license sa ahensiya.
Ang pahayag ay sinabi makaraang manumpa bilang bagong LTO chief sa harap ni Transportation Secretary Jaime Bautista.
Umaasa si Mendoza na sa lalung madaling panahon ay maaayos ang mga dapat ayusin sa LTO.
Tiniyak din ni Mendoza ang kanyang matinding suporta kay Secretary Bautista at susundin ang anumang gustong gawin ng Kalihim sa LTO .
“If the tasks can be done immediately, it must be done right away. Let’s not wait 5 years, ang aking laging iniisip kung magagwa natin bukas bakit pa natin hihintayin ang next week. Gawin na natin ang magagawa natin ngayon,” sabi pa ni Mendoza.
- Latest