^

Metro

10 katao, itinuturing na ‘suspects’ sa sexual assault sa UP student

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni ­Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Nicolas Torre III na nasa 10 katao ang itinuturing nilang persons of interest sa sexual assault na naganap laban sa estudyante ng University of the Philipines (UP) Diliman, sa Quezon City , kamakailan.

Ayon kay Torre, ang iba sa mga ito ay taga-loob ng UP, habang ang iba naman ay taga-labas. 

Sinabi pa ni Torre na sa ngayon ay patuloy nilang sinusuri ang mga CCTV footages mula sa ruta ng biktima.

Patuloy pa rin aniya ang isinasagawa nilang ocular inspection at walkthrough sa pinangyarihan ng krimen.

Nagsasagawa na rin sila ng imbestigasyon sa construction site at sa mga manggagawa malapit sa campus.

“Masusing iniimbestigahan ng QCPD ang nasabing insidente at gagawin ang lahat upang mahuli ang salarin,” pagtiyak pa ni Torre.

Matatandaang dakong alas-10:50 ng gabi nang maganap ang sexual assault sa biktima sa isang bakanteng lote na matatagpuan sa baseball/softball field sa Yllanan St., ng campus.

Ayon sa biktima, na isang 5th year college student ng Applied Phy­sics sa UP, naglalakad siya patungong Commonwealth Avenue nang lapitan siya ng suspek na armado ng patalim at itinulak siya pababa sa gilid ng kalsada. 

Nanlaban umano ang biktima sa suspek, na tumakas lamang nang makarinig ng ingay ng mga tao.

vuukle comment

SEXUAL ASSAULT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with