^

Metro

Ambulansya gamit ng BuCor personnel sa pagpupuslit ng kontrabando sa Bilibid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ambulansya gamit ng BuCor personnel sa pagpupuslit ng kontrabando sa Bilibid
Ito’y sa kabila ng pagsisikap ng BuCor na malinis at matanggal ang ilang tiwaling personnel.
Bucor.gov.ph

MANILA, Philippines — Arestado ang isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na gumamit ng ambulansya para makalusot ang dalang kontrabando papasok ng New Bilibid Prison (NBP), iniulat kahapon.

Ito’y sa kabila ng pagsisikap ng BuCor na malinis at matanggal ang ilang tiwaling personnel.

Sa ulat kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ibinun­yag ni J/SINSP Angelina L. Bautista (Ret.) OIC-Deputy Director General for Operations at ODG-Head Executive Assistant na bandang alas-2:47 ng hapon noong Sabado nang madiskubre ang BuCor ambulance na may plate SAB 4894  na minamaneho ni CO1 Marvin Ceballos ay may kargang mga pinatuyong dahon ng tabako.

Sakay din ang isang deprive of liberty PDL) patient para sa emergency referral nang dumating sa NBP.

Sinabi ni Bautista na bilang protocol, lahat ng mga tauhan at sasakyang papasok sa loob ng NBP ay isasailalim sa’check and search’ kaya’t natukoy ang kontrabando na nakatago sa loob ng compartment ng ambulansya.

Agad na iniulat ng mga naka-duty na guwardiya na sina K9Hs Leonard Torralba at Joe Joanne Pecha ang insidente at isinailalim sa imbestigasyon si Ceballos.

Ayon kay Catapang,   kailangan talagang ma­ging vigilant dahil hindi lang mga preso ang binabantayan sa BuCor kundi pati ang sariling mga tauhan.

“Yan ang dahilan kung bakit ang ating programa ay Reform BuCor, magkasabay naming nirereporma ang sarili naming officers and personnel habang may programa rin kami to reform PDLs,” ani Catapang.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with