^

Metro

100 bahay nasunog sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
100 bahay nasunog sa Taguig
Sa ulat mula kay Senior Inspector Demetrio Sablan Jr, ang hepe ng operations division ng BFP-Taguig, alas- 2:04 ng hapon nang magsimula ang sunog na naideklarang fire-out alas-5:51 rin ng hapon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasa 100 kabahayan na tinitirhan ng may 300 pamilya ang natupok sa naganap na sunog sa Road 6, Manggahan Site North Daanghari, Taguig City, kamakalawa.

Wala namang nasawi o nasaktan sa insidente bagamat may isang 66-anyos na lola ang nahirapang huminga dahil sa usok, ayon sa Bureau of Fire Protection ng Taguig.

Sa ulat mula kay Senior Inspector Demetrio Sablan Jr, ang hepe ng operations division ng BFP-Taguig, alas- 2:04 ng hapon nang magsimula ang sunog na naideklarang fire-out alas-5:51 rin ng hapon.

Nahirapan ang mga bumbero na mapasok ang lugar dahil  sa masisikip na daanan. Sa looban pa umano sumiklab ang sunog kung saan maraming informal settlers ang naninirahan at pawang yari sa light materials ang mga kabahayan kaya mabilis na kumalat ang apoy.

“Ang challenge naman ‘yung access sa area, itong pinakamalapit na nakita namin na access ‘yung likod tinawid na namin ang bakod ng DOST, sa mga bubong na kami dumaan, para makalapit duon sa affected na area, “ ayon kay Sablan.

 Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.

 Pansamantalang  dinala ng Taguig City Social Welfare Development Office (CSWDO) ang mga apektadong pamilya sa covered court ng barangay. Binigyan sila ng sleeping at hygiene kits, pagkain at tulong pinansiyal.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with