^

Metro

1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU
Nasa 1,000 miyembro ng TODA sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang nabiyayaan ng fuel subsidy fleet card mula sa QC LGU. Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng mga ayudang card sa mga TODA members.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association  mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan.

Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng Petron sa lungsod.

Ang pamamahagi nito ay paraan ng lokal na pamahalaan, sa pa­ngunguna ni Mayor Joy ­Belmonte na matugunan ang suliraning kinakaharap ng mga TODA sa kabila ng pagtaas ng ­presyo ng petrolyo at bilihin.

Ang fuel subsidy ay sinimulan ni Belmonte noong una itong maupo bilang alkalde ng lungsod ng 2019 para makaagapay ng mga TODA.

Tiniyak ni Belmonte  na magtutuluy-tuloy ang programang ito upang alalayan ang mga miyembro ng TODA sa lungsod habang bu­mabangon sa epekto ng pandemya ang bansa.

Ang fuel subsidy ay ginawa ng lungsod bilang kapalit sa taas-pasahe na hinihingi ng mga dri­ver upang hindi naman maapektuhan ang mga pasahero.

vuukle comment

TRICYCLE OPERATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with