^

Metro

Ret. PAF nagbaril sa sarili matapos barilin ang 2 kapitbahay  

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ret. PAF nagbaril sa sarili matapos barilin ang 2 kapitbahay   
Ang nasawing suspek na si Leandro Lequin Pedrosa, retiradong miyembro ng Philippine Air Force (PAF) matapos magbaril sa sarili makaraang pagbabarilin ang dalawa niyang kapitbahay sa Pasay City. (CTTO)
CTTO

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 59-anyos na retiradong sundalo nang magbaril sa sarili matapos niyang barilin ang dalawa niyang kapitbahay na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City Police  ang nasawing suspek na si Leandro Lequin Pedrosa, retiradong miyembro ng Philippine Air Force (PAF) at residente ng Brgy. 183, Villamor, Pasay City.

Malubhang nasugatan ang mga biktimang sina Hazel Mejares, 47, sari-sari store owner at kasama sa bahay na si Jovel Villegas, 47, Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa inisyal na ulat, dakong alas-8:50 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng tindahan ni Mejares sa 14th corner 15th Street sa Brgy. 183 sa Villamotr, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na sa pag­responde sa crime scene ng Sub-Station 9  ng Pasay City Police Station, nadatnan ang suspek na duguang walang buhay na nakadapa na sa kalsada,  habang nasa kaniyang tabi  ang isang Glock 17 GEN4 9mm na may serial number AFP 057955.

Batay sa salaysay ng saksi, mainitang nagtatalo ang retiradong sundalo at si Mejares sa tapat ng tindahan nito hanggang sa bumunot ng baril ang una at pinaputukan ang kaalitan.

Pinasok pa ang nasabing tindahan at si Villegas naman ang pinaputukan bago lumabas muli ng tindahan.

Habang nasa kalsada ay nakitang nagpaputok muli ng baril ang suspek sa sari­ling ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Blangko pa sa motibo ang pulisya bagamat may impormasyon na may matagal nang alitan ang mga biktima at suspek na diumano’y dahil lamang sa aso.

vuukle comment

PASAY CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with