^

Metro

Mister na pumatay ng misis lumaklak ng muriatic acid, dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister na “wanted” sa batas dahil sa umano’y pagpatay sa kanyang sariling misis, nang tumungga ng muriatic acid, ayon sa pulisya ng Quezon City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Anire Vergara, 56, walang trabaho at residente ng 74 Judge Juan Luna St., Brgy. Bungad, Quezon City.

Si Vergara ay nagtatago matapos na mapatay ang kaniyang misis na si Jhendel Pearl Santos, 28, noong Hunyo 11.

Batay sa report ng Masambong Police Station 2, ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-9:30 ng umaga kahapon ay nagtungo ang mga otoridad sa tahanan ng mga kaanak ni Vergara sa Central Signal Village, Taguig City, kung saan ito nagtago at sinasabing uminom ng asido.

Naisugod pa umano ng mga kaanak ang suspek sa ­Quezon City General Hospital subalit binawian din ng buhay dakong alas-4:00 ng hapon.

Una rito, bago ang pagpatay, nag-text pa umano ang ginang sa suspek na magtutungo ito sa kaniyang bahay at kukunin ang allowance ng kanilang mga anak. Gayunman, habang naglalakad ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa suntukin ng lalaki ang mukha ng asawa.

Hindi pa umano nasiyahan ang suspek at bumunot ito ng patalim at pinagsasaksak nito ang kaniyang misis hanggang sa mamatay.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with