^

Metro

Ilang nagwagi sa NCR, naiproklama na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ilang nagwagi sa NCR, naiproklama na!
Reelectionist Pasig Mayor Vico Sotto casts his vote for the 2022 national and local elections at a covered court turned polling center inside the Valle Verde 5 in Pasig City on May 9, 2022.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ilang oras matapos ang halalan ay nakapagproklama na ng ­ilang  mga nagwaging alkalde at bise alkalde sa mga lungsod sa Metro Manila ang lokal na Commission on Election (Comelec).

Mayorya sa mga ito ay mga incumbent na mayor at bise-mayor.

Sa eastern metro, proklamado na ang mga kandidato sa pagka-alkalde at bise alkalde na nagwagi sa May 9  na kinabibilangan ng mga lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan.

Nabatid na kabilang sa mga nanalo at maagang naiproklama ng Comelec ay si San Juan City Mayor Francis Zamora, na maglilingkod sa kanyang ikalawang termino, at ang kanyang ka-tandem na si Vice Mayor Warren Villa. Proklamado na rin si Cong. Atty. Bel Zamora. Nakalaban ni Zamora sa eleksiyon si Jun Usman.

Proklamado na rin para sa kanyang ikalawang termino si incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto, na tinambakan sa halalan ang kanyang katunggali na si Vice Mayor Iyo Bernardo.

Wagi rin ang kanyang running mate na si incoming Pasig Mayor Dodot Jaworski gayundin si Cong. Roman Romulo.

Maging si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ay naiproklama na rin para sa kanyang ikatlo at huling termino, gayundin ang kanyang maybahay na si inco­ming Cong. Maan Teodoro. 

Malaki ang lamang sa boto ni Teodoro laban sa kanyang katunggali na si Marikina City Cong. Bayani Fernando.  

Reelected rin naman si Marikina Vice Mayor Marion Andres.

Sa Mandaluyong naman, wagi si incoming mayor Ben Abalos laban kay Florencio Solomon at inaasahang anumang oras ay maipuproklama na rin.  Nanalo rin sa halalan si incoming vice mayor Menchie Abalos habang Cong. naman si Neptali Gonzales.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with