^

Metro

Mga kasong isinampa sa Ombudsman, politically motivated – Oreta

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Purong pamumulitika lamang,” ang nakikita ni Malabon City Mayor Antolin A. Oreta III na dahilan ng mga isinampang akusasyon laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Kinuwestiyon din nito ang tyempo ng pagsasampa ng tatlong kaso na halos sunud-sunod sa panahon ng kampanya para sa padating na eleksyon. Naniniwala ang alkalde na pawang mga katunggali sa pulitika, partikular ang mga Sandoval, ang nasa likod ng galaw na ito.

Isang Gary Garcia ang nagsampa kasong graft laban sa punong lungsod nitong Pebrero, sanhi ng diumanong pagbibigay ng mga opisyal na posisyon ng huli sa kanyang asawa, Chef Melissa Sison Oreta, sa City of Malabon University (CMU).

Ayon naman kay Mayor Oreta, si Chef Melissa Oreta ay matagal nang nasa propesyon ng edukasyon sa kolehiyo bilang guro at administrador, at iniaambag lamang nito ang naturang kakayanan sa CMU habang tumatalima sa mga prosesong ligal at kwalipikasyon ng batas.

Makaraan ang isang buwan, isang Rogelio Santos ang naghain ng reklamo laban sa alkalde dahil sa paghirang noon sa kanyang nakababatang kapatid, Konsehal Lorenzo Oreta, bilang Special Agent 1 sa loob ng Mayor’s Complaint and Action Center.

Ayon naman kay Mayor Oreta, kwalipikado rito ang kanyang kapatid at kailangan ng buong tiwala ng alkalde upang lubos na magawa ang mga tungkulin sa ilalim ng naturang posisyon, kaya’t karapat-dapat lamang ang naganap na paghirang.

Sa buwang ito, akusasyon naman ng plunder, graft at technical malversation ang bumulaga sa alkalde mula sa isang Dennis Padua, na nagsabing lumabag ito at 20 pang ibang opisyal ng lungsod sa mga Republic Act 10687 at 7080. Ibinibintang ng reklamong ito na iligal ang paggamit ng pondo ng lungsod para sa gastusin sa maintenance, operations, at pagpapasweldo sa mga tauhan ng CMU.

Katatanggap ng CMU ng mga pagkilala mula sa mismong Commission on Higher Education (CHED) dahil sa mga natatanging programa nito sa kasalukuyan, kung kaya’t naging karapat-dapat itong tumanggap ng Unifast grant, isang pinansyal na tulong para sa nasabing uni­bersidad.

Kasalukuyang tumatakbong Mayor si Konsehal Lorenzo Oreta upang ipagpatuloy ang pamumuno sa lungsod, makaraang matapos ni Mayor Antolin Oreta ang pangatlong termino bilang alkalde ngayong padating na halalan.

“Pagtutuunan ko ito ng pansin,” pagdidiin ni Mayor Oreta na sa ngayon ay sumangguni na sa kanyang mga abogado hinggil sa pagsasampa ng pormal na kaso sa korte laban sa tatlong tao na naghain ng mga pawang huwad na akusasyon sa tanggapan ng Ombudsman.

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with