^

Metro

District 1 todo-suporta kay Mayor Joy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
District 1 todo-suporta kay Mayor Joy
In a photo released Nov. 4, 2021, Quezon City Mayor Joy Belmonte leads the groundbreaking ceremony of an a five-storey evacuation building featuring a command center, sleeping quarters with shower and bathrooms at Barangay Bagong Silangan in the city.
QC Gov't/Released

MANILA, Philippines — Ikinagalak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang  suporta ng grupong Isang Samahang Aasahan (ISA) at nangakong susuklian pa rin ng  tapat at mahusay na pamamahala kung mabibigyan siyang muli ng mandato bilang alkalde ng lungsod kaugnay sa 2022 elections.

Umaabot sa 70 orga­nisasyon mula sa District 1 ang pinag-isang samahan na kinabibilangan ng iba’t-ibang sektor gaya ng neighborhood association, senior citizens, kabataan, LGBT, transportation, at mga manininda.

Ang ISA ay noon pang 2009 naitatag at itinuturing na malaking “influential group” sa panahon ng bawat halaan sa District 1.

Si Jaime Espina ng Barangay Del Monte, namumuno sa Tagumpay ng PIMAGFLOW (Pinagpalang Magkakapitbahay ng Florencia West) at co-founder ng ISA, ang nagsabing “makaaasa  ng suporta” ng kanilang samahan ang  tambalang muli nila Mayor Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.

Sa pagka-kongresista naman ay ibubuhos ng ISA ang kanilang suporta sa kandidatura ni Arjo Atayde na tumatakbong Kongresista sa Distrito Uno.”

Dagdag pa ni Espina, ang buong ‘Aksiyon Agad’ team na pinangungunahan ni Atayde at anim nilang kandidatong konsehal gaya ni Bernard Herrera, Charm Ferrer, Tani Joe “TJ” Calalay, Doray Delarmente, Olie Belmonte at Sep Juico ang siguradong isusulat ng kanilang grupo sa mga balota sa Halalan sa Mayo 2022.

Ikinagalak din ni Atayde ang inihayag na suporta ng ISA na may tinatayang lagpas 18,000 kasapi, na pawang mga botante at nangakong ‘di niya sila bibiguin.

Bagama’t baguhan sa larangan ng pulitika, ang “award winning” na aktor ay tahimik na tumutulong na sa Distrito Uno. Nagbigay na ito ng mga sasakyang maaa­ring gawing ‘service vehicle’ ng mga barangay sa paglatag ng mga programa para labanan ang pandemiyang dulot ng virus na Covid-19.

Dagdag ni Atayde ang pandemya at mismong karanasan niya na mahawaan ng Covid-19 ang nagbunsod sa kanya na lumapit kay Mayor Belmonte para i-alay ang sarili upang makatulong sa Distrito Uno.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with