^

Metro

Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC

Philstar.com
Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC
Itinataas nina QC Mayor Joy Belmonte ang kamay ng kanyang running mate na si Vice Mayor Gian Sotto, ika-5 ng Oktubre, matapos maghain ng kanilang COC para tumakbo sa parehong mga pwesto sa 2022
Released/Tanggapan ni QC Mayor Joy Belmonte

MANILA, Philippines — Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde't bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon.

Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para tumakbo sa parehong pwesto sa ilalim ng partidong Serbisyo sa Bayan (SBP).

Nahalal sina Belmonte at Sotto — pinsan nina Pasig City Mayor Vico Sotto at aktor na si Oyo Sotto — sa mga naturang pwesto noong 2019 midterm elections, matapos talunin sina Vincent Crisologo at Jopet Sison ng PDP-Laban, atbp.

Ang COC filing nina Belmonte at Sotto ay ikinasa isang araw matapos ianunsyo ni Anakalusugan party-list rep. Mike Defensor ang kanyang kagustuhang tumakbo sa 2022 elections para sa pagka-alkalde.

Kontrobersyal si Defensor para sa libreng pamumudmod ng ivermectin, isang anti-parasitic drug, sa QC. Una na niyang ipinetisyon sa Supreme Court na payagan na itong magamit laban sa COVID-19.

Ginawa ito nina Defensor kahit na ang mismong manufacturer ng ivermectin (Merck) na ang nagsabing walang matibay na ebidensyang makatutulong ito laban sa COVID-19.

Sinasabing sa Huwebes o Biyernes pormal na ihahain ni Defensor ang kanyang kandidatura sa pagkaalkalde, habang magiging running mate naman niya si QC District 2 Councilor Winston "Winnie" Castelo. — James Relativo

--

Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

GIAN SOTTO

JOY BELMONTE

MIKE DEFENSOR

QUEZON CITY

WINNIE CASTELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with