^

Metro

P.6 milyong shabu nasabat sa Makati, Parañaque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot  sa higit P600,000 halagang shabu ang nasabat ng mga anti-drug operatives ng Makati at Parañaque City sa anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon kamakalawa.

Sa ulat ng Makati City Police, dakong alas-4:15 nitong Lunes ng hapon nang malambat ng mga pulis sa may Paraiso 1 Street, Brgy. Poblacion ang mga suspek na sina Ralph Baston, 35; Gilbert Ladaga, 30 at Ramizh Baldoza, 32.

Nasabat sa mga suspek ang 10 plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 42.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P287,640.  Nakumpiska rin ang isang portable na timbangan at ang P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust.

Kasunod nito dakong alas-5:30 ng hapon nang madakip naman sa may Bernardino Street, Gudalupe Viejo, Makati City ang mga suspek na sina John Patrick Amarillo, 21 at Dunhill Pena, 34.  Nasabat sa kanila ang siyam na plastic sachet na may lamang 6.2 gramo ng shabu na may halagang P42,160.

Sa ulat naman ng Pa­rañaque City Police, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi nang madakip sa may Angelina Canaynay Avenue sa Brgy. San Dionisio ang suspek na si Roy Francis Tolesora, 30-anyos.

Nakuha sa kaniyang posesyon ang isang medium sized plastic sachet na may lamang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, DVD plastics, at isang pirasong P1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

MAKATI CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with