^

Metro

Chinese, huli sa shabu sa kahon ng face mask

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese natio­nal ang dinakip matapos na mahulihan ng higit sa P500,000 halaga ng shabu na inilagay nito sa kahon ng face masks sa isinagawang anti-drug ope­ration sa Mandalu-yong City, Huwebes ng hapon.

Target ng buy-bust ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) special enforcement service at PDEA Region 3 ang 30-anyos na Chinese na kinilala lamang sa pangalang Xu.

Ayon sa ulat isinagawa ang operasyon sa lobby ng isang condominium sa Barangay Hulo na doon nanunuluyan  ang suspect.

Narekober ng operatiba buhat dito ang 3 sachet ng umano’y shabu na nakasilid sa kahong lalagyan ng face mask.

Nasa 100 gramo ang timbang nito at may street value na P680,000.

Ayon sa PDEA, 3 taon nang nakatira sa Pilipinas si Xu at nagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations, pero natanggal sa trabaho.

Nahaharap ang Chinese sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Inaalam din ng PDEA ang pinagkunan niya ng supply ng droga.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with