^

Metro

12 K-9 units, roronda na sa paligid ng MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
12 K-9 units, roronda na sa paligid ng MRT-3
Ito’ay bilang bahagi pa rin nang pagtitiyak ng MRT-3 sa seguridad at kaligtasan sa mga nasasakupang lugar ng linya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa 12 K-9 units na ang rumoronda ngayon sa depot at sa lahat ng mga istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ito’ay bilang bahagi pa rin nang pagtitiyak ng MRT-3 sa seguridad at kaligtasan sa mga nasasakupang lugar ng linya.

Nabatid na may dalawang shifts ng tig-6 na K-9 units ang nag-iikot sa mga pasilidad ng MRT-3. Binubuo umano ang bawat K-9 unit ng isang highly trained bomb-sniffing canine (K-9) at handler nito.

Ang mga K-9 units ay mula sa security provider ng MRT-3 na Kaizen Security Agency Corp.

Matatandaang una mas pinaigting pa ng MRT-3 ang seguridad ng kanilang linya matapos ang bandalismo na naganap sa isa nilang tren kamakailan.

Naglagay sila ng guards augmentation at nag-deploy ng patrol car ng security provider ng MRT-3 sa mga istasyon ng Magallanes at Taft Avenue. Ayon sa MRT-3, apat na foot patrol guards mula sa Kaizen Security Agency Corp ang naglilibot sa nasabing mga istasyon sa dalawang shifts din.

Samantala, may idineploy rin na patrol car para sa karagdagang seguridad sa area.

Kaugnay nito, nabatid na isinasaayos na rin ang perimeter fence sa kahabaan ng linya, ng maintenance provider naman ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng immediate actions ng MRT-3 upang mas mapaigting ang seguridad sa rail line at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with