^

Metro

Liquor ban sa Parañaque epektibo ngayon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Liquor ban sa Parañaque epektibo ngayon
Ito’y matapos irekomenda ni Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief Atty. Melanie Malaya sanhi na rin ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Philstar.com/ Irish Lising

MANILA, Philippines — Iniutos kahapon ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang suspensiyon ng lahat ng lisensya at permit sa pagbebenta at pagsisilbi ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa lungsod na epektibo ngayong Lunes, Marso 15 hanggang Marso 31, 2021.

Ito’y matapos irekomenda ni Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief Atty. Melanie Malaya sanhi na rin ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Batay sa ulat ng City Health Office (CHO), kabuuang 554 ang kaso sa Parañaque, kabilang ang mga taong walang address at ‘di tukoy na mga barangay. At 99 na bagong kaso nito ay naitala nito lamang Marso 13 sa kabila ng ipinatutupad na health at safety protocols.

Malilimitahan aniya ng pagbabawal na magbenta ng alak  ang pagkalat pa ng nasabing virus sa mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan at kapitbahay, lalo’t hindi naman basic necessities ang nakalalasing na inumin.

Inatasan na rin ni Olivarez ang BPLO, mga barangay, at lokal na pulisya na ipatupad sa lahat ng establisimyento, kabilang ang mga restaurant, bars, beer houses, KTVs, groceries at supermarkets, convenience stores, sari-sari stores, at iba pang naisyuhanng liquor permits. 

vuukle comment

EDWIN OLIVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with