^

Metro

Pagbabakuna sa mga ospital sa Metro Manila, ratsada na rin!

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna sa mga ospital sa Metro Manila, ratsada na rin!
Sinaksihan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ginawang pagbabakuna ni Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doctor kaya nakasama sa priority list sa Sta. Ana Hospital. Ratsada na rin ang pagtuturok ng bakuna sa Pasig City General Hospital at maging sa Amang Rodriquez Memorial Medical Center sa Marikina.
Mga kuha nina Edd Gumban, Michael Varcas at Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umarangkada na rin kahapon ang COVID-19 vaccine rollout ng iba pang lungsod sa Metro Manila sa pagdating ng Sinovac vaccines mula China.

Sa lungsod ng Maynila, rumatsada na ang pagbabakuna na isinagawa sa Sta. Ana Hospital, na dito nasa 200 health workers ang naka-line up para sa vaccine.

Kasama sa naturukan si Vice Mayor Honey Lacuna na isang doktor, gayundin ang hepe ng City Health Office at Sta. Ana Hospital.

Sa Pasig City, aabot sa mahigit sa 150 health wor­kers ang target bakunahan sa Pasig City General Hospital at Pasig City Children’s Hospital.

Si Dr. Nerissa Sabarre, head ng COVID-19 referral facility ng Pasig City Children’s Hospital, ang unang nabakunahan sa “symbolic” na vaccination ceremony ng lungsod.

“Okay, I didn’t feel anything, halos wala akong naramdaman. I feel very good, I feel well,” ayon kay Dr. Noel Cruz, doktor sa Pasig City General Hospital.

Nagpasalamat naman si Pasig City Mayor Vico Sotto sa healthcare workers sa kanilang sakripisyo ngayong COVID-19 pandemic.

Sa lungsod ng Pasay kung saan umalagwa ang kaso ng COVID nasa 100 health workers ang matuturukan ng Sinovac vaccines.

Ayon naman kay Imelda Mateo, chief ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina, kaunti lang mula sa mga nag-pre-register na frontliner sa pagpapabakuna ang sumipot sa pagsisimula ng kanilang inoculation drive sa mega vaccination center ng lungsod ngayong Martes.

Aniya, 120 lang ang sumipot mula sa 1,200 na pumirma at nagbigay ng consent na mabakunahan sila noong panahon na ang inaasahang bakuna ay Pfi­zer o AstraZeneca mula sa COVAX facility ng World Health Organization.

Pero noong malaman na Sinovac ang unang ibibigay ay nagsiatrasan umano ang karamihan. Aniya, hindi naman daw sila nagkulang sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa bakuna.

Umarangkada na rin ang pagbabakuna sa health workers Taguig City na ginanap sa Taguig-Pateros District Hospital. Kabilang ang unang nabakunahan ang hospital director na si Dr. Ana Richie Quilatan.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with