^

Metro

Buy-bust nauwi sa shootout: 2 ‘tulak’, todas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Buy-bust nauwi sa shootout: 2 �tulak�, todas
Sinisiyasat ng SOCO operative ang bumulagtang umano’y mga ‘tulak’ matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya sa isinagawang buy-bust kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Kapwa binawian ng buhay ang dalawang umano’y ‘tulak’ ng ilegal na droga nang maki­pagbarilan sa mga operatiba sa tangkang pagtakas sa isinagawa operasyon kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay Police Acting Chief, P/Colonel ­Pa­y-Os ang mga nasawing suspek na sina Ronnie Bona, alyas Muslim, 37,  at Joseph Matuguina, alyas Ogag, 38.

Sa ulat, naganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-9:45 ng gabi kamakalawa sa Amazing Show Theater, sa Brgy.76, Pasay City.

Unang isinagawa ang buy-bust operation sa mga suspect pero sa gitna ng transaksyon nagduda umano na mga pulis ang katransaksiyon kaya’t bago pa sila malapitan ng mga nakaposteng operatiba para arestuhin ay nagtangka nang tumakas sakay ng isang Honda Beat motorcycle ang mga ito..

Habang tumatakas ay pinutukan ng back rider ang direksiyon ng mga humahabol na pulis na nauwi sa palitan ng putok.

Walang tinamaan sa mga operatiba habang ang dalawa ay kapwa napuruhan sa naganap na barilan.

Narekober ang P50k na buy-bust money na kinabibilangan ng 40 pirasong boodle P1k bills at genuine 1k bills na P10,000.00; shabu; isang pistola at isang revolver.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with