^

Metro

Rider dawit sa online scam, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Taga-deliber ng pekeng cellphone

MANILA, Philippines — Timbog ang isang 29-anyos na private rider nang magdeliber ng isang pekeng Iphone sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Joel Gomez, hepe ng Pamplona Sub-station ng Las Piñas Police ang suspek na si Jerry Azucena, residente Brgy.  Tala, Caloocan City, habang ang mga nakalalayang suspek ay kinilalang sina Julie Hang, at isa pa ring private rider na hindi pa pinangalanan.Nakumpiska kay Azucena ang dalawang unit ng pekeng Iphone 11 Pro Max black at rose gold na nasa box at dalawang resibo ng mga nasabing gadget at marked money na P7,000 na ginamit sa entrapment operation ng Pamplona Police.Nag-ugat ang pag-aresto sa reklamo ni George Peckson Jr., 34; at Mark Samuel Corpuz, 26; kapwa nakatira sa Manuela 3A Pamplona, Las Piñas City matapos na makatanggap ng delivery na pekeng Iphone.

Nabatid na sa halagang P6,500 binili ni Peckson ang cellphone na natuklasang peke kaya agad itong nagsuplong sa pulisya at sa tulong ng kaibigang si Corpuz ay nagawang maka-order muli sa online seller na si Julie Hang ng isa pang Iphone na naideliber alas- 9:00 ng gabi sa bahay ni Corpuz, kung saan doon dinakma ng mga operatiba ang rider na si Azucena.

Kuwento ng waiter na si Peckson, nakita niya lang sa Facebook ang nakapost na napakamurang Iphone kaya nagka-interes siyang bilhin upang magamit ng 8-taong gulang na anak sa online classes subalit hindi niya ito mabuksan. Nag-iinit umano ang unit kahit hindi naka-charge kaya nais niyang irefund subalit nai-block siya ni Hang nang kulitin niya ito hanggang sa nagpasaklolo sa kaibigan na dumiskarte para maka-order ulit at maaresto sa entrapment ang delivery rider.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with