^

Metro

Barangay chairman sa Malabon itinumba

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman sa Malabon itinumba
Idineklarang dead-on-arrival sa Manila Central Univesity (MCU) si Brgy. Hulong Duhat Chairman Anthony Velasquez, 41, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Philstar.com/File photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng apat na suspek lulan ng dalawang motorsiklo sa likod ng kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Manila Central Univesity (MCU) si Brgy. Hulong Duhat Chairman Anthony Velasquez, 41, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa report nina police investigators Staff Sgt. Jose Romeo Germinal at Cpl. Michael Oben, alas-3:50 ng hapon  habang abala sa paglilinis si Velasquez sa likod ng kanyang bahay sa No. 3 Florante St. Brgy. Hulong Duhat nang pumasok ang dalawang hindi kilalang gunman sa likod na gate at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una.

Matapos ang insidente, naglakad patungo sa kanyang kasama na nagmamaneho ng kanilang gateway motorcycles bago mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima ng kanyang pamilya sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

Kaagad namang nagsagawa ng dragnet ­operation ang mga tauhan ng SS7 sa pangu­nguna ni PLT Edgardo Magnaye subalit, nabigo sila na mahuli ang mga suspek habang narekober sa crime scene ng 11 basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.

Ipinag-utos naman ni Col. Rejano sa kanyang mga tauhan ang masusing imbestigasyon sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto.

Napag-alaman ng pulisya na dati na umanong nadawit ang pangalan ng biktima sa narco-list su­balit nilinis niya ito sa PDEA dahil paninira lamang umano ito sa kanya ng kalaban sa pulitika.

Mariing kinondena ng mga Samahan ng mga Barangay Chairman sa Malabon ang pagpatay kay Velasquez kasabay ng panawagan sa pulisya na ipatupad ang buong puwersa ng batas para sa agarang pagkakaaresto sa mga suspek.

vuukle comment

MCU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with