^

Metro

Pasaherong nanunog sa konduktora kilala na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasaherong nanunog sa konduktora kilala na
Ayon kay Bureau of Fire Protection chief F/Chief Insp. Joseph del Mundo, ang pasaherong suspek na nasawi rin sa insidente ay nakilalang si Edwin Dejos, 49, na dati umanong live-in partner ng biktimang konduktora na si Ameline Sembrana.
STAR/File

Suspect at biktima dating mag-live in

MANILA, Philippines — Kilala na ng mga awtoridad ang lalaking pasahero na nanunog sa isang konduktora sa loob ng pinagtatrabahuhan nitong bus sa Quezon City, na nagresulta sa pagkamatay nilang dalawa kamakailan.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) chief F/Chief Insp. Joseph del Mundo, ang pasaherong suspek na nasawi rin sa insidente ay nakilalang si Edwin Dejos, 49, na dati umanong live-in partner ng biktimang konduktora na si Ameline Sembrana.

Ani del Mundo, sina Dejos at Sembrana ay dating mag-live in partner, at mayroong tatlong anak.

Aniya, hanggang sa nga­yon ay nasa Rizalde Funeral Services pa sa Brgy. Payatas, Quezon City ang bangkay ni Dejos dahil ang mga kaanak nito ay nasa Cebu.

Patay na rin umano ang kakambal ni Dejos, na sinasabing siya namang naging unang asawa ni Sembrana.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na bago ang panununog ay nagkaroon ng argumento ang dalawa sa loob ng pinagtatrabahuhang Fairview bus ni Sembrana hinggil sa bagong kinakasama ng konduktora.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, kumuha ng maliit na bote ang suspek na may laman umanong gas at ibinuhos ito sa biktima at saka ito sinilaban, na nagresulta sa pagkamatay nilang dalawa at pagkasugat ng apat na iba pa.

Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bus dahil sa mga plastic barrier na nakalagay doon, kaya’t ang ibang pasahero na hindi makalabas sa pinto ay gumawa ng paraan upang mabasag ang mga bintanang salamin ng bus at doon tumalon upang makatakas sa sunog.

Maging ang driver ng bus ay napilitang tumakbo palabas nang lamunin ng apoy ang kanyang braso habang dinadampot ang fire extinguisher kaya’t hindi niya ito nagamit upang apulain ang apoy.

Matatandaang bumibiyahe ang bus sa Pearl Drive kanto ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, nang maganap ang insidente noong Enero 3.

Nakatakda na rin namang magsagawa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng sariling imbestigasyon hinggil sa insidente.

vuukle comment

BUS

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with