^

Metro

Prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno, bawal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno, bawal
Ayon sa Manila Public Information Office, mamamahagi rin sila ng libreng face mask sa Sabado (Enero 9) para sa mga deboto na inaasahan pa rin na dadagsa sa Simbahan ng Quiapo kahit na kanselado na ang taunang Traslacion.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ipagbabawal din ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Manila Police District (MPD) ang pagsasagawa ng prusisyon ng mga grupo ng deboto ng kanilang mga replica ng Itim na Nazareno bilang bahagi pa rin ng pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa Manila Public Information Office, mamamahagi rin sila ng libreng face mask sa Sabado (Enero 9) para sa mga deboto na inaasahan pa rin na dadagsa sa Simbahan ng Quiapo kahit na kanselado na ang taunang Traslacion.

Bukod kasi sa pangunahing prusisyon ng Itim na Nazareno, naging tradisyon na rin ng mga grupo ng deboto na magsagawa ng sarili nilang prusisyon ng kanilang mga replica sa iba’t ibang panig ng Maynila.

Magpapakalat naman ang MPD ng mga tauhan sa mga kalsada para mapigil ang mga deboto sa pagsasagawa ng kanilang sariling prusisyon at mahigpit na magpapatupad ng mga ‘safety protocols’.

Umpisa sa Biyernes (Enero 8), isasara ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit ang ilang mga kalsada.  Kabilang dito ang: southbound lane ng Quezon Blvd (Quiapo) mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Carlos Palanca Street; northbound lane ng Quezon Blvd mula Carlos Palanca hanggang Fugoso; westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang A Mendoza St.; kahabaan ng Evangelista St. hanggang P Paterno St. at Recto Ave.; at kahabaan ng Palanca St. mula Carriedo/Plaza Lacson hanggang P Casal Street.

Isasara rin ang kahabaan ng Ronquillo Street mula Rizal ­Avenue hanggang Plaza Sta. Cruz at kahabaan ng Bustos Street mla Plaza Sta. Cruz hanggang Rizal Avenue.

vuukle comment

NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with