^

Metro

Bumibiyaheng train sets ng MRT, 22 na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masayang ibinalita ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot na ngayon sa 22 ang train sets na bumibiyahe sa kanilang linya.

Kabilang anila sa bumibiyaheng tren ay 20 CKD train sets at dalawang Dalian train sets.

Ayon sa MRT-3, ang dagdag na deployment ng train sets ay makakatulong para mabawasan ang waiting interval sa pagitan ng mga tren.

Bukod dito, inaasahang tataasan din ang passenger capacity ng MRT-3.

Una nang tinaasan ng MRT-3 ang operating speed ng kanilang mga tren ng hanggang 60 kilometer per hour (kph) noong Disyembre, 2020 upang mapaghusay pa ang serbisyong ipinagkakaloob nila sa kanilang mga mananakay.?Ang MRT-3 ay bumabagtas sa kahabaan ng EDSA mula Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City at vice versa.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with