^

Metro

SAF troops idineploy sa Divisoria

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
SAF troops idineploy sa Divisoria
Sinabi ni MPD Director P/Brig. General Leo Francisco na nagmula sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City ang SAF troops na idineploy kahapon para sa mas maraming pulis para sa mas ligtas na pamimili laban sa krimen at magpapaalala sa publiko sa health at safety protocols laban sa banta ng COVID-19.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nasa 70 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang ipinakalat sa Divisoria market para umalalay sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa dagsa ng mga mamimili ngayong huling weekend bago ang Pasko.

Sinabi ni MPD Director P/Brig. General Leo Francisco na nagmula sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City ang SAF troops na idineploy kahapon para sa mas maraming pulis para sa mas ligtas na pamimili laban sa krimen at  magpapaalala sa publiko sa health at safety protocols laban sa banta ng COVID-19.

Dahil may 5 araw na lang bago ang Pasko, mas lalo pang dinagsa ang Divisoria market na nasasakupan ng Binondo at Tondo na kilala at dinadayo sa mga murang halaga ng bilihin.

“Ang challenge lang talaga, ‘yong pagme-maintain ng physical distancing... kasi siksikan ang tao, maliit ang lugar,” dagdag ni Francìsco.

Gayunman, napakarami mang pulis na nakaposte, hindi pa rin nagkukusang dumistansiya ang mga tao na nagsisiksikan sa pamimili na kailangan pang sawayin at paalalahanan.

Pinayuhan naman ni Francisco ang SAF na ipatupad ang maximum tolerance at hangga’t maari ay huwag gamitin ang armas.

Nilinaw din ni Francisco na hindi basta-basta manghuhuli, kundi sisitahin at ililista lang ang mga lumalabag. Saka pa lang sila pagmumultahin kung makikita ang paulit-ulit na pagsuway, alinsunod sa ordinansa ng lungsod.

Magbibigay din ang mga awtoridad ng face mask at face shield sa mga walang pambili o nakalimutang magdala.

vuukle comment

SAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with