^

Metro

AWOL na parak tinambangan, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Isang AWOL na parak na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa nakikila-lang salarin habang sakay ng kaniyang scooter, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si PSgt Drandreb Cipriano, 47, nakatira sa 407 Lallana Street, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-9:10 ng umaga sa may Bonifacio Street, Vitas, Tondo.

Sakay ang biktima ng kaniyang Mio type scooter nang biglang harangin ng salarin at sunud-sunod na pagbabarilin.

Blangko ang pulisya sa pagkakakilanlan sa salarin na mabilis na tumakas makaraang matiyak na patay na ang kaniyang target.  Narekober sa biktima ang isang kalibre .45 na baril na hindi na nagawang bunutin.

Nabatid na taong 2014 nang magpositibo sa isinagawang sorpresang drug test ng MPD si Cipriano.  Mula noon ay hindi na siya nag-ulat pa sa kaniyang unit.

Nauna rito, naging subject rin siya ng anti-drug operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group noon sa Tondo kung saan kabilang siya sa apat na pulis-Maynila na inaresto.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso ng pananambang sa biktima.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with