^

Metro

2 wanted sa pagpatay at rape, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtapos ang pagtatago sa batas ng dalawang lalaki na wanted sa magkahiwalay na kasong pagpatay at panggagahasa sa ikinasang operasyon ng Manila Police District (MPD) sa lalawigan ng Cavite at Valenzuela City kamakalawa.

Sa naantalang ulat ng Sta. Ana Police Station kahapon, nadakip ng kanilang mga tauhan sa operasyon sa Mabuhay City Subdivision sa Paliparan, Dasmariñas, Cavite nitong Oktubre 1 ang Top 1 Most Wanted ng kanilang istasyon na si Alexander Barliso, 45, tricycle driver at nakatira sa naturang lugar. Nahaharap si Barliso sa kasong Murder na nakasampa sa Manila Regional Trial Court Branch 41 at walang kaukulang piyansa. Hindi na siya nakapalag nang ihain sa kaniya ng mga pulis ang warrant of arrest at posasan sa loob ng kaniyang pinagtataguang bahay.

Samantala, alas-3:37 nitong Sabado ng hapon nang madakip ng mga tauhan ng Sta. Mesa Police Station 8 sa may McArthur Highway, Malinta, Valenzuela City ang wanted na si James Casim, 55, truck driver at nakatira sa No. 380 Tongco Compound, Malinta, ng naturang lungsod.

Nahaharap si Casim sa kasong Rape sa sala ni Judge Jacqueline Martin-Balictar ng Manila RTC Branch 09 at dinakip sa pamamagitan ng warrant of arrest laban sa kaniya. Isang impormante ang nagturo sa mga pulis sa pinagtataguan ng suspek sa Valenzuela City kaya nagkasa ang mga pulis ng operasyon upang tuluyan na siyang maaresto at mapanagot sa batas.

vuukle comment

MOST WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with