^

Metro

LRT-1 Roosevelt Station isasara sa loob ng 3-buwan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-1 Roosevelt Station isasara sa loob ng 3-buwan
Ayon sa LRT-1, na pinangangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation, aabutin ng mahigit tatlong buwan ang pagsasara sa naturang istasyon ng tren o hanggang Disyembre 28.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakatakda nang simulan sa Setyembre 5, araw ng Sabado, ang pansamantalang pagsasara ng Roosevelt Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Quezon City upang bigyang-daan ang pagtatayo ng Unified Grand Central Station doon.

Ayon sa LRT-1, na pinangangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), aabutin ng mahigit tatlong buwan ang pagsasara sa naturang istasyon ng tren o hanggang Disyembre 28.

Nabatid na ang naturang itatayong unified station ang magsisilbing common station na magdurugtong sa mga estasyon ng LRT-1, Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at nang ginagawa pa lamang na MRT-7.

Inaasahang sa sandaling matapos ito ay magiging mas mabilis na paglipat ng mga tren ng mga pasahero.

Samantala, tiniyak naman ng LRT-1 na tuloy ang operasyon ng kanilang mga tren mula sa Baclaran station hanggang Balintawak station.

vuukle comment

LRMC

LRT1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with