^

Metro

Chinese pinadampot ng kababayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaaresto ng isang  Chinese national ang kaniyang kababayan nang hindi ibigay sa kaniya ang ipinapalit na P.6-milyon sa Chinese yuan, sa loob ng Solaire Resorts and Casino sa Tambo, Parañaque City.

Kinilala ang dinakip na suspek na si Li Bo Yin, 40, at residente ng Brgy. 193, Pasay City.

Isa pang suspek na lalaki ang hinahanap pa, na itinuturong may hawak umano ng natangay na pera.

Sa reklamo ng biktimang si Li Lulin, 28, dakong alas- 7:00 ng gabi noong Martes nang kunin sa kaniya ng suspek at kasama nitong lalaki ang pera.

Ayon sa reklamo, ipinagkatiwala ng biktima sa suspek ang pera niya mula sa Alipay account, isang popular na e-wallet services sa Asia, para ipalit ng RMB o Chinese Yuan subalit hindi na naibigay ng suspek kaya nagpasaklolo sa pulisya.

Nang respondehan, ina­butan lang si Li habang ang kasama nito ay nakatakas.

vuukle comment

CASINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with