^

Metro

Dagdag na ruta ng bus, aarangkada na ngayon

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dagdag na ruta ng bus, aarangkada na ngayon
Ayon sa Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ang tatlong city bus routes na bukas ngayong Biyernes, ay ang Route 1: Monumento - Balagtas, Bulacan, Route 17: EDSA - Montalban, Rizal at Route 18: NAIA Loop.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aarangkada na simula ngayong Biyernes, ang dagdag na ruta ng mga bus sa Metro Manila bilang bahagi nang dahan-dahang pagbabalik operasyon ng mga pampasaherong sasakyan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa NCR.

Ayon sa Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang tatlong city bus routes na bukas ngayong Biyernes, ay ang Route 1: Monumento - Balagtas, Bulacan, Route 17: EDSA - Montalban, Rizal at Route 18: NAIA Loop.

Susundan naman ito ng pagbubukas ng city bus routes sa darating na Lunes, June 8 para sa Route 3: Monumento - VGC, Route 11: Gilmore-Taytay at Route 21: Monumento - San Jose Del Monte

Ayon sa LTFRB kinausap na ang mga operator ng bus para madetermina ang dami ng unit na kailangang ma-deploy agad sa mga lansangan.

Ang dagdag na ruta ay bahagi naman ng 31 rationalized routes para sa Metro Manila na unti- unting bubuksan sa ilalim ng GCQ.

Ang hakbang ay ginawa ng LTFRB upang punan ang pangangailangan ng commuters na maghahatid sa kani-kanilang destinasyon sa MM na limitado lamang ang sakay.

vuukle comment

BUS STOP

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with