^

Metro

Pasig LGU, maglalagay ng high priority bicycle corridor

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na maglalagay sila ng high priority bicycle corridor sa lungsod upang maengganyo ang mas maraming residente na gumamit na rin ng bisikleta sa pagbiyahe at pagpasok sa trabaho.

Sinabi ng alkalde na kailangang magsulong ng mga reporma dahil sa limitadong bilang ng pampublikong transportasyon ngayong may krisis pa sa bansa.

Ayon kay Sotto, magsisimula ang high priority bicycle corridor sa bahagi ng Amang Rodriguez Avenue, dadaan ng West Bank road, C. Raymundo, A. Mabini, Dr. Sixto Avenue extension hanggang F. Manalo at Caruncho.

Maglalagay din aniya sila ng road safety treatments sa mga makikitid na kalsada at mas maraming bike racks.

Tiniyak pa ng alkalde na magbibigay din ang lokal na pamahalaan ng employee transportation loans para sa mga nais bumili ng bike o scooter.

Magsasagawa rin aniya ang lokal na pamahalaan ng information campaign sa pagbibisikleta at road safety sa pa­ngunguna ng Pasig Transport Department.

“Lalo tuloy nating nakita ang kakulangan ng imprastraktura para sa mga alternatibong uri ng transportasyon. Sa ordinar­yong panahon, wala pang 30% ng tao ang bumabiyahe gamit ang private cars, ngunit mahigit 80% ng kalsada ang sakop nila,” aniya pa.

Bukod sa Pasig City, kabilang din sa mga unang tumugon sa panawagan ng DILG ay ang mga lokal na pamahalaan ng Quezon City, San Juan City at Taguig City.

vuukle comment

BICYCLE

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with