^

Metro

Manila online tax payment system inialok nang libre sa ibang LGUs

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Manila online tax payment system inialok nang libre sa ibang LGUs
Bukod sa pagbabayad ng buwis, maari rin sa nasabing online na lamang mag-aaplay para makakuha ng birth certificates at community tax certificates (Cedula), na malapit nang idagdag sa nasabing website.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Ipinapagamit nang libre ni Manila Mayor Isko Moreno ang  online tax payment system ng lunsod sa iba pang lokal na pamahalaan sa layuning makaiwas sa exposure ang taxpa­yers at makatulong na rin sa pagsugpo sa  pagkalat pa lalo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Ako po ay nananawagan sa lahat ng mayor sa buong Pilipinas, municipal o city, kung gusto niyo lang, ino-offer namin para sa pangkalahatan na, kung gusto ninyong magkaroon din ng online payment, bibigay namin sa inyo ng libre,” ani Moreno sa kanyang lingguhang Facebook Live program na “The Capital Report.”
Kamakailan lang, inilunsad ng Manila City government  ang website na www.cityofmanila.ph kung saan maaari nang ipro­seso ang pagbabayad ng buwis.

“‘Yung buong program, ‘yung buong source code, nakuha ko nang libre, kagabi ‘yung may ari ng kompanya kinausap ko, sabi ko, may mga nag-iinquire sa aking mga mayor paano daw magagawa nila sa kanilang localities.  Eh napapayag ko po kagabi,” ani Moreno.

“Sa mga local government units sa Pilipinas, if you want online payment sa tax, sa real property tax, sa business tax and other services kasi pong ito sa amin, pati ‘yong healthcare, occupational health clearance, birth certificate, ma-o-online ‘yan, libre ko ring ibibigay sa inyo ‘yung halos na-save namin na daan-daang milyon na gastos,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagbabayad ng buwis, maari rin sa nasabing online na lamang mag-aaplay para makakuha ng birth certificates at community tax certificates (Cedula),  na malapit nang idagdag sa nasabing website.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with