^

Metro

Extension sa price freeze sa LPG at kerosene iginiit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Extension sa price freeze sa LPG at kerosene iginiit
Ayon kay Gatchalian, dapat manatili ang kasalukuyang presyo ng mga nabanggit na produkto habang nasa ilalim ng national emergency ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Senador Sherwin Gatchalian na palawigin hanggang katapusan ng Hunyo ang price freeze sa liquefied petroleum gas (LPG) at mga kerosene products.

Ayon kay Gatchalian, dapat manatili ang kasalukuyang presyo ng mga nabanggit na produkto habang nasa ilalim ng national emergency ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa Department of Energy (DOE) matapos magtaas ang mga oil companies ng presyo ng LPG ng mahigit sa P5 per kilogram noong Mayo 1.

Dahil sa price increase, ang dating P57.98 per kilogram ay naging P63.80 para sa isang standard 11-kilogram na LPG cylinder.

Ang mas mataas na pres­yo ng LPG products ay dahil sa pagtaas ng internatio­nal contract price ng LPG ngayong Mayo.

Sinabi naman ni Gat­chalian na ang P50 hanggang P60 ay malaking tulong na para sa mga pamilyang naghihirap ngayong nasa krisis ang bansa.

“Sa ganitong panahon ng krisis, ang 50 o 60 pesos ay malaking tulong na lalo na sa mga pamilyang nasa mahihirap na komunidad. Puwede na itong ipambili ng isang kilo ng bigas o kaya ay hanggang tatlong piraso ng delata,” sabi ni Gatchalian.

Ipinunto rin nito ang nagpatung-patong na mga utility bills ng mga mamamayan dahil sa enhanced community quarantine kaya malaking tulong kung magpapatupad ng price freeze ang gobyerno.

vuukle comment

DOE

LPG

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with