^

Metro

2 drug personality timbog sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang hininalang tulak ng bawal na gamot ang nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Cairo Lemmor Reyes, 20, estudyante, ng Coral St., Tondo at Clarence Yadao, 41, ng Balic-Balic, Sampaloc, Manila.

Sa pagkakadakip kay Reyes sa may panulukan ng Coral at Prudencio St. ay nakatakas naman ang kapatid niyang si Khayla Reyes.

Nakumpiska sa suspek ang 30 gramo ng shabu na may street value a P225,000.00. at nabawi rin ang ginamit na buy-bust money na P500.

Naaresto naman si Yadao sa panulukan ng T. Mapua at Antiplo Sts. Sa Tondo.

Nabatid na nakabili ang  poseur-buyer kay Yadao ng  dalawang medium sachet ng shabu na tumitimbang ng 10 gramo o street value na P70,000.00.

Bukod sa shabu, nare­kober din sa suspek ang boodle money na may nakapatong na isang genuine P500 bill na ginamit sa buy-bust.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with