Swab test on wheels sa Pasay, umarangkada
MANILA, Philippines — Umarangkada na ang Pasay Swab Test on Wheels na ang prayoridad na susuriin ay ang mga senior citizens (SCs) at persons with disabilities (PWDs).
Kabilang din sa seserbisyuhan nito ang mga naninirahan sa mga lugar o barangay na malayo sa apat na Health Centers (Cuyegkeng, Malibay, Doña Nena at Doña Martha) para ma-swab test din.
Kamakalawa ay nagsimula ang naturang Swab Test on Wheels sa Malibay area at sa bahagi ng Leveriza corner Buendia / Gil Puyat Avenue.
Araw-araw ay sumasailalim sa disinfection at sanitation ang Swab Test on Wheels ng Pasay at ang mga Medical Technologists nito ay naka-Personal Protective Equipment o PPE.
Ang sample ng swab tests ay dadalhin sa Philippine Red Cross para suriin ang mga ito alinsunod sa Laboratory Testing Agreement nito sa Pasay LGU.
Inaasahang malalaman ng Pasay City Health Office ang resulta ng pagsusuri ng swab test na isinagawa ng Philippine Red Cross sa loob ng dalawang araw.
- Latest