^

Metro

Mga estudyante, bigyan ng assignment- DepED

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga estudyante, bigyan ng assignment- DepED
Sinabi ni Sec. ­Brio­­n­es, dapat tiyakin ng mga guro at ng pamunuan ng es­kwelahan sa mga lugar na nagdeklara ng suspensyon ng klase na magpapatuloy pa rin ang learning process ng kanilang mga estudyante kahit na sila ay walang pasok.
Department of Education, Facebook

Kahit suspendido ang klase...

MANILA, Philippines — Hinimok kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang mga guro na bigyan ng assignment o takdang-aralin ang kanilang mga mag-aaral upang hindi masayang ang mga araw na suspendido ang klase dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Sec. ­Brio­­n­es, dapat tiyakin ng mga guro at ng pamunuan ng es­kwelahan sa mga lugar na nagdeklara ng suspensyon ng klase na magpapatuloy pa rin ang learning process ng kanilang mga estudyante kahit na sila ay walang pasok.

“DepEd officials in the field, at the regions, divisions, and schools are directed to facilitate the communication of tea­chers with the students and their parents, to provide the necessary assignments to continue the process of learning of the required competencies,” ani Sec. ­Briones.

Inaasahan namang kaagad na magpapalabas ang DepEd ng dagdag na guidelines at direktiba hinggil dito.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Briones na inaprubahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na suspendihin ang klase sa Metro Manila simula nitong Martes, Marso 10, 2020, hanggang sa Sabado, Marso 14, upang bigyangdaan ang pagdi-disinfect sa mga paaralan para patayin ang anumang virus na naroroon. Aniya, magiging epektibo lamang ang ilang araw na suspensyon ng klase kung gagawin ng lokal na pamahalaan at ng mga magulang ang kanilang tungkulin na tiyaking mananatili sa mga bahay ang mga bata at hindi hahayaang lumabas at magtungo sa matataong lugar, gaya ng mga malls at iba pa.

vuukle comment

COVID-19

LEONOR BRIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with