^

Metro

Humoldap at bumaril sa vendor, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Humoldap at bumaril sa vendor, arestado
Ang suspect na si Alexander Obdamina, alyas Kalbo na sangkot sa panghoholdap at pagbaril sa isang mami vendor sa Maynila makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Police-Station 5.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines – Kalaboso na at nakatakdang sampahan ng mga kaso ang 36-anyos na lalaki na tumangay sa benta ng isang mami vendor na kanya pang binaril sa leeg sa Port Area, Maynila, noong nakaraang Linggo.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 5, nakilala ang naarestong suspect na  si Alexander Obdamina, alyas Kalbo, residente ng Block 1, Gasangan, Baseco Compound, alas-7:20 ng gabi ng Miyerkules sa kanyang bahay, sa isinagawang follow-up operation.

Narekober sa suspek isang Magnum .357, na may limang bala na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril sa biktimang si Samson Bautista, 41, residente ng Batang Bayani St., Baseco Compound, Port Area.

Kasalukuyan pang inoob­serbahan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC).

Naging viral din ang video footage ng ginawang panghoholdap ng suspek dakong ala-1:20 ng madaling araw noong Martes sa harapan ng kanyang bahay ng umuwi mula sa pagtitinda ng mami sa food cart.

Nakita ang pagtanggi ng biktima na ibigay kaagad ang kanyang bag na naglalaman ng P8,000 at agad siyang pinaputukan na tumama sa leeg.

Sa halip na magsisi at humingi ng tawad, naging bastos pa ang suspek sa pagsasabing dapat na ibigay na lang ang hinihingi ng holdaper .

“Ang masasabi ko sa kanila, baka akala kasi nila mga tulad sa amin (holdaper), nagbibiro kami, eh hindi kami nagbibiro. ‘Pag sinabi namin ginagawa namin. Maliit na halaga naman ‘yan kung tutuusin eh, hindi na kailangan pang mawalan pa ng buhay,” ayon sa suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with